Saturday, September 13, 2008

300 dumalo sa KAMULATAN SEMINAR na ginanap sa Montevista


SAN PABLO CITY – Malake ang pasasalamat at tuwa ang naging tugon ng mga mahigit kumulang tatlong daan (300) na mga magulang, kabataan, estudyante, professionals, guro, mga madre at pari matapos nila marinig ang nakatutuwa ngunit malaman na panayam ng Main Speaker na kapatid nating Bro. Bernard F. Canaberal nuong Sabado tungkol sa usaping Kamulatan sa Mass Media at mga panganib na hinaharap ng pamilya pag ang panukalang Reproductive Health Bill sa Kongreso ay maisabatas.

Sa kanyang mahigit dalawang (2) oras na panayam nuong ika-anim (6) ng Septyembre, araw ng Sabado na ginanap sa Montevista Hotspring Resort & Conference Center pinaliwanag ni Bro. Bernard ang mga benepisyo ng pagamit ng Mass Media ngunit binalaan din niya sila tungkol sa mga hinde tamang paggamit nito. Sila’y kanyang pinaaalahanan na maging makilatis, kritikal sa mga pinapanuod na mga Commercials sa Television at mga pahayagan na nagpapababa sa dignidad ng tao at sa mga binabasang magazines.

Si Bro. Bernard at isa pang tagapagpanayam ay parehong gumamit ng statistics at mga patunay na dokumento upang patunayan na mapanganib at lubhang nakakabahala ang panukalang Reproductive Health Bill na pilit ipapasa ng mga nag enendorso nito sa Kongreso sapagkat ito’y lihim (subtle) na maging dahilan upang unti unting sirain ang dignidad ng buhay ng tao at wawasakin ang pamilya.

Sa reaction na ginawa ni FR. Dodie Arrupo, ang Diocesan Director ng Family Life Apostolate ng San Pablo pagkatapos ng panayam, malake ang kanyang pasasalamat at nagmungkahe siya sa mga partisipante na basahin nila upang lalong maunawaan ang dokumento na sinulat ng eksperto na si Fr. Gregory D. Gaston na pinamagatang: “MISCONCEPTIONS AND CLARIFICATIONS ON ISSUES RELATED TO HUMANAE VITAE AND THE REPRODUCTIVE ‘HEALTH’ BILL IN PHILIPPINE CONGRESS”

Ang dokumentong ito ay kasalukuyang naka publish bilang series sa Diocesan Newspaper ng San Pablo na “TheBarangay” na maaring makuha sa opisina nito sa Lungsod ng San Pablo.