Monday, August 25, 2008

Seminar tungkol kamulatan sa Mass Media at mga panganib na hinaharap ng Buhay ng tao at Pamilya isasagawa


SAN PABLOCITY– Ang Diosesis ng San Pablo sa pamumuno ni Kagalanggalang Obispo Leo M. Drona, DD at ang Social Communications Ministry ng Diosesis ay magsasagawa sa pangatlong pagkakataon ng seminar tungkol sa Kamulatan sa Mass Media at mga panganib na hinaharap ng Buhay ng tao at ng pamilya sa darating na ika-anim (6) ng Setyembre, araw ng Sabado taong kasalukuyan.

Ang seminar na idadaos sa Montevista Hotspring Resort & Conference Center sa Pansol, Calamba City sa ika-alauna (1:00) ng hapon ay isasagawa ng Main Speaker na beteranong Mediaman na si Mr. Bernard F. Canaberal, na dating TV host ng ABS-CBN Studio 23 at kasalukuyang pinuno ng Family Rosary Crusade sa buong Pilipinas.


Ang tema ng seminar ay “Mary, Media and the Rosary” na may layuning ipabatid ang mga problemang idinudulot ng hindi tamang paggamit ng media at mga mensahe sa media. Tatalakayin din dito ang mga palihim na pagaatake ng Buhay at Pamilya sa mga isinusulong sa Kongreso na Reproductive Health and Rights Bill.

Wala pong bayad ang seminar na ito at ito ay lubos ng sinusuportahan ng management ng Montevista Hotspring Resort & Cenference Center na isa sa mga masugid na tumutulong sa mga gawaing pangsimbahan.
Ang seminar ay bukas para sa lahat (mga magulang, kabataan, professionals, studyante, workers atb.)
Para sa detalye at iba pang impormasyon tungkol sa seminar, makipagugnayan lamang sa tanggapan ng Diocesan Media Director. Tel. no. (049) 5612144 or Celfone No. 0919 3689067.