Thursday, August 21, 2008

Priests Day matagumpay ipinagdiriwang sa buong diyosesis

SAN PABLO CITY – Ang mga kaparian ng buong Diyosesis ng San Pablo, Laguna sa pamumuno ni Kagalanggalang Obispo Leo M. Drona ay matagumpay at masayang nagdiriwang ng Araw ng Mga Pari sa magkahiwalay na lugar o iba-ibang Bikaryo sa tulong ng Diocesan Catholic Schools System (DCSS) o mga Katolikong paaralan ng Liceo High Schools sa buong diyosesis.

Dito sa San Pablo City Vicariate, si Obispo Drona mismo ang namuno sa pagdiriwang sa pamamagitan ng Misa Conselebrada kasama ang mga pari at mga relihiyoso na ginanap sa Liceo de San Pablo Gymnasium na masayang inihanda at itinaguyod ng nasabing paaralan na pinamunuoan ni Liceo de San Pablo Principal Ms. Zenaida Buenaseda at katulong ang mga faculty members at mahigit isang libong mga kabataang estudyante.

Sa homiliya ni Obispo Drona sa nasabing Misa, kanyang binigyan diin ang pagpaliwanag tungkol sa kahalagahan ng mga pari sa buhay ng bawat Kristiyanong Katoliko.”Kailangan sila upang ipagpapatuloy at palaguin ang Simbahang itinatag ni Kristo.”

Binanggit din ng Obispo sa harap ng mahigit isang libong mga faculty at mga mag-aaral na ang mga pari ay may kahinaan din bilang mga tao lamang kaya dapat sila’y kilalaning lubos, patuloy na ipagdadasal at kaibiganin.

Napag-alaman ng Veritas Pilipinas na may mga hiwalay na pagdiriwang ng Priests Day ding isinagawa sa Victoria, Laguna Parish, sa Vicariate ng Paete at Siniloan na malapit sa Liceo de Pakil at sa lahat ng mga parokya na may nakatayong Liceo Catholic Schools. Sang-ayon sa 2007 Catholic Directory of the Philippines mayroong 30 ka mga Diocesan/Parochial schools sa buong Laguna at mayroong dalawang daan at limampo’t dalawang (252) mga paring Diyosesano at mga relihiyoso.

Napag-alaman din na ang Canossa College of San Pablo ay magpapahalaga din sa mga kaparian ng Diyosesis sa darating na Augusto 28, Biernes.